Para sa Kabataan: Huwag Matakot Mangarap at Magsikap

 Sa mga kapwa kong kababata na humaharap sa mga hamon ng buhay ngayon, naiintindihan ko na ang ating kasalukuyang kalagayan ay maaaring maging mahirap habang tayo ay tumatanda.  Oras na para palawakin ang ating mga pananaw, dahil naabot na natin ang edad kung saan marunong na tayong umunawa at gumawa ng mga desisyon para sa ating sarili. Dapat nating simula ng matanto na ang mga bagay ay hindi laging magiging ayon sa gusto natin. 

Kapag naiisip niyong sumuko, isipin niyo din ang lahat ng oportunidad na mawala dahil susuko ka lang.Talaga bang pagwawalang-bahala mo ang iyong mga hangarin? Ang tanging tatandaan lamang natin ay hindi makakamit ang tagumpay kapag walang paghihirap. Kaya’t huwag nating hayaan na ang hirap ng buhay ay maging hadlang sa ating mga pangarap. Bagkus, gawin natin itong inspirasyon upang magsumikap at patuloy na lumaban. Walang madali sa mundo, ngunit sa bawat hakbang na ating ginagawa patungo sa ating mithiin, mas lumalakas tayo at mas nagiging matibay ang ating loob.

Huwag matakot sa pagkabigo sapagkat ito ang nagtuturo sa atin ng mahalagang aral. Ang bawat pagkakamali ay isang pagkakataon upang matuto at mas maging handa sa mga pagsubok na darating. Hindi tayo isinilang upang manatiling talunan—nasa atin ang kakayahan upang bumangon, lumaban, at abutin ang ating pangarap.

Kaya sa mga kapwa kong kabataan, hawakan natin ang ating determinasyon at pananalig sa sarili. Walang imposible sa taong may tiyaga, sipag, at paniniwala sa kanyang kakayahan. Patuloy nating tahakin ang landas ng tagumpay, hindi para sa iba, kundi para sa ating sarili at sa kinabukasang nais nating makamtan.


Comments